Nagkausap na sina Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa at Senador Raffy Tulfo kaugnay ng nangyaring pag walkout ni Tulfo sa naging pagdinig ng Senate Committee on Public Order kahapon.
Ayon kay Dela Rosa, siya mismo ang lumapit kay Tulfo sa Senate lounge pagkatapos ng hearing at humingi ng paumanhin sa nangyari.
Nag-sorry rin aniya si Dela rosa kung hindi man nagustuhan ni Tulfo ang naging pagpapatakbo niya ng pagdinig.
Pero giniit ni Dela Rosa na nagiging patas lang rin siya sa mga pulis at ibinibigay rin sa mga ito ang kanilang karapatan tulad rin ng binibigay sa mga complainants.
Pinaliwnag rin naman aniya ni Tulfo ang dahilan kung bakit siya nag walkout sa hearing.
Sinabi naman ni Dela Rosa na ayos na sa kanya ang nangyari dahil ayaw niyang mag-away pa sila ni Tulfo.| ulat ni Nimfa Asuncion