Ibinida ni Finance Secretary Ralph Recto sa harap ng mga delegado ng World Economic Forum (WEF) ang “stellar” growth performance ng bansa.
Nasa Pilipinas ngayon ang mga participant ng WEF kabilang dito ang top global executives mula sa private sector’s energy, infrastructure, finance, banking, telecommunications, at marketing industries.
Kabilang sa mga ibinahagi ng Finance Chief ang solid credit profile at steady fiscal consolidation ng Pilipinas, na maipapamalas sa pamamagitan ng fiscal strength at economic resilience sa kabila ng global headwinds.
Ayon kay Recto, ang bansa ay maituturing na fastest growing economy sa ASEAN Region na may paglago ng 5.6 percent bagay na pinagtitibay ng mga multilateral organization, at inaasahang mamimintine ang position nito bilang frontrunner sa ASEAN.
Ayon pa sa kalihim, patuloy ang pagsisikap ng Philippine government na maging global superpower at umaasang magdadala ng oportunidad, at “mutually beneficial partnerships” ng WEF.
Samantala, kinilala naman ni WEF President Borge Brende ang mga nakamit ng Pilipinas at sinabing “very promising ang “growth outlook” ng bansa. | ulat ni Melany Valdoz Reyes