Suporta ng international community sa Pilipinas sa isyu ng WPS, pinapahalagahan ng AFP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malaking bagay ang paghahayag ng suporta ng Estados Unidos at International Community sa Pilipinas sa gitna ng umiiral na situasyon sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad, hindi lang ang Pilipinas ang apektado ng pag-aangkin ng China ng halos 80% ng buong South China Sea, kung hindi mga ibang bansa din sa Southeast Asia.

Pero itinuturing aniya ng international community ang Pilipinas bilang “geographical frontline” sa pagpigil ng “expansionist ambitions” ng China sa rehiyon.

Responsibilidad aniya ng international community at ng Pilipinas, na siguruhin manatiling bukas ang sea lanes at hindi basta-basta babaguhin ng iisang bansa ang rules-based international order sa karagatan.

Ito aniya ang dahilan kung bakit maraming bansa ang nagbibigay ng suporta sa Pilipinas.

Tiniyak naman ni Trinidad, na anu pa man ang gawin ng China ay gagawin din ng AFP ang kanilang mandato na ipagtanggol ang teritoryo ng bansa. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us