Isinara pansamantala sa publiko ang Mt. Apo Natural Park sa Davao simula ngayong araw hanggang sa 30 ng Marso 2024.
Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang pagpapasara sa tinaguriang highest peak ng bansa ay bunsod ng umiiral na dry spell na nakaapekto sa trekking at camping sites sa Mt. Apo Natural Park.
Ang pansamantalang pagpapatigil ng lahat ng trekking activities sa Mt. Apo ay ibinase sa MANP- Protected Area Management Board Executive Committee Resolution no.1 series of 2024 .
Ayon sa DENR, dahil sa kasalukuyang epekto ng El Nińo Phenomenon, pangunahing isinaalang-alang ang kaligtasan ng kapaligiran at ng mga bumibisita sa Mt. Apo Natural Park.| ulat ni Rey Ferrer| ulat ni Rey Ferrer