Namahagi ng tulong ang Quezon City Local Government sa mga pamilyang nabiktima ng sunog kamakailan partikular sa Barangay Damayang Lagi.
Pinangunahan mismo ni Mayor Joy Belmonte ang distribusyon ng ayuda sa 212 pamilyang nasunugan.
Ang mga house owner ay nakatanggap ng ₱10,000 at sa sharer at renters ay ₱5,000.
Una na ring namigay ang lokal na pamahalaan ng food packs at mga essential kit sa mga nasunugan.
Tatlo ang naitalang sugatan sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa Brgy. Damayang Lagi, Quezon City, martes ng umaga.
Umabot ito ng Task Force Alpha, isang oras lang matapos magsimula ang sunog pasado alas-10 ng umaga. | ulat ni Merry Ann Bastasa