Ipinamalas ng mga opisyal at tauhan ng Philippine Army ang kanilang husay sa paggamit ng baril sa Exercise Katihan Fellowship shooting competition sa Philippine Army Marksmanship Training Facility, sa Camp O’Donnell, Capas, Tarlac kahapon.
Ang aktibidad ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-127 Philippine Army Day, na pinangunahan ni Philippine Army Chief Lt. General Roy Galido.
Lumahok sa aktibidad ang Army Major Unit Commanders; General, Personal, Special, Technical (GPST) Staff; Training and Doctrine Command (TRADOC) Central Directors at School Commandants, at Sergeant Majors.
18 team ang nagpaligsahan sa 5 stage ng kumpetisyon, kung saan ang team na pinangunahan ni Special Forces Regiment (Airborne) Commander Brig. Gen. Ferdinand B. Napuli, ang hinirang na overall champion.
Habang si Officer Candidate School Commandant Col. Harold M. Cabunoc ang nag-kampeon sa individual match. | ulat ni Leo Sarne
📷: Pfc Rodgen V. Quirante, OACPA