Magsisimula na sa Biyernes ang pagkalat ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa iba’t ibang mga pantalan o sea ports sa buong bansa, bilang paghahanda sa Semana Santa.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni PCG Spokesperson Rear Admiral Arman Balilo na 60% ng kanilang hanay ang ide-deploy para sa kaganapang ito.
Sisiguruhin aniya nila na walang magaganap na overloading sa mga barko, walang mga makapaminsalang bagay ang makalulusot sa bawat biyahe, at mahigpit ang mga gagawing pag-iinspeksyon sa mga pantalan.
Kakalat rin aniya ang kanilang hanay sa mga beach resort, habang magiging kabalikat rin sila ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Ports Authority (PPA), upang alalayan ang mga biyahero, at mabilis na makaresponde sakaling kailanganin ng pagkakataon.
Ang hanay ng PCG, naka-heightened alert na simula bukas hanggang sa susunod na linggo. | ulat ni Racquel Bayan