Inihayag ni Finance Secretary Ralph Recto na magpapatuloy ang pagtaas ng koleksyon at paggasta ng pamahalaan.
Ayon kay Recto, simula Enero ng 2024, umakyat ng 20% ang koleksyon ng kita ng gobyerno habang 10% naman ang year-on-year sa paggasta.
Ito ang paliwanag ng kalihim sa budget surplus na naitala ng Bureau of Treasury na nasa P88 bilyon ngayong January kumpara sa P42.2 bilyon sa parehas na buwan noong 2023.
Ayon kay Recto, ito ang unang pagkakataon na dumoble ang kita ng pamahalaan matapos ang isang taon at inaasahang malalagpasan ang target.
Gayumpanman, sinabi ng kalihim na ang fiscal balance ay hindi manatili sa labis hanggang matapos ang taon.
Ang importante aniya ay naabot ang mga target sa kita kasabay ng government spending.
Target din ng DOF na maibaba ang deficit o kakulangan na P1.39 trilyon o 5.1% ng Gross Domestic Product (GDP) sa 3% hanggang 2028. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes