Upang hikayatin ang bawat mamamayang Pilipino na mas maging matalino sa paggamit ng kuryente.
Hinikayat ng Department of Energy (DOE) ang publiko na makilahok sa Earth Hour na gaganapin sa Marso 23, Sabado.
Ayon kay Energy Secretary Raphael Lotilla, malaking tulong sa energy conservation sa ating bansa ang paglahok sa Earth Hour, kung saan isang oras magpapatay ng mga ilaw hindi lamang sa buong bansa maging sa buong mundo.
Dagdag pa ni Lotilla, maaaring umabot sa 195.34 megawatts ang posibleng matipid ng ating bansa sa paglahok sa nasabing energy conservation event na ito.
Sa huli nanawagan si Lotilla sa publiko, na makilahok ang bawat pamilya at establisyimento sa earth hour upang makatulong hindi lamang sa energy conservation sa Pilipinas, at makatulong din sa ating world environment. | ulat ni AJ Ignacio