Tiniyak ng Philippine Coast Guard (PCG) na walang access sa mga sensitbong impormasyon o operasyon ng kanilang hanay ang sinomang unauthorized personnel, lalo na ang mga Chinese na bahagi ng PCG Auxiliary.
Pahayag ito ni PCG Spokesperson Arman Balilo, kasunod ng pagtanggal sa 36 na Chinese mula sa volunteer group ng PCG alinsunod sa ipinadalang communication ng National Security Council (NSC).
Sa gitna na rin ito ng usapin sa West Philippine Sea (WPS).
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, nilinaw ng opisyal na tanging humanitarian assistance lamang ang function ng mga ito.
Mahigpit aniya sila sa PCG, pagdating sa mga operasyon at impormasyon ng kanilang hanay kaya’t minabuti na rin nilang tumalima sa NSC.
“Ang assurance ng Philiipine Coast Guard (PCG), itong mga Chinese businsess, na ni-recruit ng PCG Auxiliary ay walang anomang partisipasyon sa operasyon ng PCG, at walang direct access sa mga sensitibong areas ng PCG. Ang trabaho lang nila ay pag mayroong mga humanitarian assistance at sila po ay nagbibigay ng donasyon.” -Balilo. | ulat ni Racquel Bayan