Kumpiyansa ang pamahalaan na magbubunga ng mga kalidad na social at infrastructure development sa bansa ang nilagdaang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Public-Private Partnership (PPP) Code.
Layon ng PPP Code at ang IRR nito na palakasin ang mga proyekto sa ilalim ng PPP sa local at national level sa pamamagitan ng pagkakaroon ng unified legal framework.
Sa ceremonial signing, binigyang diin ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan, ang pagkumpleto sa IRR ng PPP Code ay sumasalamin sa pangako ng pamahalaan na paigtingin ang infrastructure development sa ilalim ng Build-Better-More program.
Sa panig naman ni PPP Center Executive Director Undersecretary Maria Cynthia Hernandez, sinabi nitong kumpiyansa silang sa tulong ng updated na policy framework ay lalakas ang investment ecosystem sa bansa.
Matatandaang noong Enero, sinimulan magsagawa ng PPP Code IRR Committee ng mga konsultasyon at rekomendansyon sa mga stakeholder, sa publiko at pribadong sektor para buuin ang naturang policy framework. | ulat ni Diane Lear