Tatanggap na ng aplikasyon ang National Amnesty Commission (NAC) para sa igagawad na amnestiya ng pamahalaan sa mga dating rebelde na nagbalik-loob na sa pamahalaan.
Ito ayon kay Atty. Leah Tanodra-Armamento ay kahit hindi pa nailalathala ang implementing rules and regulations (IRR) para dito.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, ipinaliwanag ng opisyal na epektibo na kasi ang paggagawad ng amnestiya noong ika-13 ng Marso nang makatanggap ito ng concurrence mula sa Kongreso.
Tapos na rin aniya sila sa IRR para sa paggagawad ng amnestiya, at una na rin itong nalagdaan ng halos lahat ng miyembro ng komisyon.
Ang hinihintay na lamang nila sa kasalukuyan ay ang pirma ng mga kalihim ng Department of National Defense (DND), Department ng Justice (DOJ), at Department of Interior and Local Government (DILG).
Pagsisiguro ng opisyal, sa IRR detalyadong nakalatag ang mga panuntunan na dapat sundin para sa paggagawad ng amnestiya sa mga nagbalik loob sa pamahalaan.
“The contents of the IRR, includes the coverage of the amnesty, sino ang qualified to apply for amnesty. There are four rebel groups that were identified by the proclamation, these are CPP-NPA-NDF, the RPMP/PRA/ABB, MILF, MNLF, and the offense should’ve been commited before November 22, 2023.” -Atty. Armamento. | ulat ni Racquel Bayan