Nakararanas pa rin ng flu-like symptoms sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos ngunit bumubuti na, at nananatiling stable ang vitals ng first couple.
Ito ang kinumpirma ng Malacañang ngayong araw (March 21)
Sa pahayag ng Palasyo, pinayuhan ang Pangulo at ang unang ginang na ipagpatuloy ang pag-inom ng gamot at pagiging hydrated para sa ganap na recovery.
Sa kabila nito, si Pangulong Marcos Jr. ay tuloy pa rin sa pagtatrabaho sa kanilang tahanan.
Inaasahan na makababalik na rin sa mga public engagement ang Pangulo sa lalong madaling panahon.
“The President and the First Lady continue to experience flu-like symptoms but with improvements, maintaining stable vital signs. They are advised to continue medications, rest, and hydration for full recovery. The President continues to work in his residence, handling correspondence and directives within medical advice. He anticipates resuming full public engagements soon, per his physician’s clearance.” —PCO. | ulat ni Racquel Bayan