Nagpasalamat si Speaker Martin Romualdez sa mabilis na aksyon ng mga ahensya ng pamahalaan sa pagbibigay ng dagdag benepisyo para sa mga senior citizen at persons with disabilities (PWDs).
Kasunod ito ng anunsiyo ng Department of Trade and Industry (DTI), Department of Agriculture (DA), at Department of Energy (DOE) na ipatupad ang P500 monthly discount para sa grocery items ng mga nakatatanda at PWD.
Partikular na pinuri ng House leader sina DTI Secretary Alfredo Pascual at Usec. Carolina Sanchez sa pagkakasa ng mga konsultasyon para sa pagpapatupad ng expanded benefit.
“The swift action taken by these departments to increase the discounts for our senior citizens and PWDs is not just a victory for these groups but a triumph for all ordinary Filipinos,” ani Romualdez.
Sabi pa ni Romualdez, na sa pamamagitan ng pagpapalawig sa kanilang diskwento ay pinapalakas din ang kanilang purchasing power na magpapasigla naman ng lokal na ekonomiya.
“By increasing the purchasing power of our senior citizens and PWDs, we are indirectly benefiting their families and the broader community. These savings can be redirected to other essential needs, contributing to the overall economic health of our nation,” paliwanag ng House leader.
Matatandaan na inatasan ng House Joint Committee on Special Privileges ang mga kaukulang ahensya ng pamahalaan na itaas na ang diskwento ng mga senior citizen sa “basic goods” sa P125 kada linggo mula sa dating P65 lamang. | ulat ni Kathleen Forbes