Mapapakinabangan na ng mga senior citizen at person with disabilities (PWDs) ang mas pinalawak na special 5% discount para sa ilang pangunahing bilihin o yung prime at basic necessities.
Ito ay matapos pirmahan ng Department of Trade and Industry (DTI), Department of Agriculture (DA), at ng Department of Energy (DOE) ngayong araw ang 2024 Revised Rules on Granting Special Discounts.
Kung saan mula sa kasalukuyang P65 kada linggo ay gagawin na itong P125 o katumbas na P500 na cap kada buwan.
Ayon kay DTI Assistant Secretary Amanda Nograles, kabilang dito ang mga de lata, sabon, at iba pang grocery items na hindi sakop ng Senior Citizen Law.
Kailangan lang magpakita ng senior citizen o valid ID na may date at senior citizen booklet.
Sa Lunes planong ilathala sa mga pahayagan ng DTI, at possibleng agad itong mapakinabangan. | ulat ni AJ Ignacio