Welcome sa Commission on Human Rights (CHR) ang panukalang P100 minimum na umento sa sahod para sa mga manggagawa sa pribadong sektor sa buong bansa.
Sa isang pahayag, pinuri ng CHR ang mga ginawa ng mga mambabatas, labor sector, at iba pang sektor upang isulong ang panawagan na itaas ang sahod ng mga manggagawang Pilipino.
Ayon sa CHR, patuloy nitong itataguyod ang mandato nitong isulong ang karapatan ng mamamayang Pilipino na magkaroon ng maayos na buhay.
Anila, nananiwala silang ang pagkakaroon ng ganitong klaseng batas ay mahalaga upang maiangat ang kalidad ng pamumuhay ng mga manggagawang Pilipino at kanilang pamilya.
Ang Senate Bill No. 2534, na layong taasan ng P100 arawang sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa buong bansa ay inaprubahan na sa ikatlong pagbasa ng Senado. | ulat ni Diane Lear