nilarawan ni Task Force El Niño spokesman at Presidential Communications Office (PCO) Assistant Secretary Joey Villarama na kritikal ang susunod na tatlong buwan.
Sa harap na rin ito ng nagpapatuloy na pagtutok ng Task Force sa nararanasang tagtuyot na papasok na sa ikalawang quarter ng taong ito.
Ayon kay Villarama, tatlong buwan pa ang bubunuin at hindi pa rin maaaring maging kampante bagamat sinasabing humina na Ang El Niño.
Sinabi ni Villarama na sa gitna ng naririto pa ding presensiya ng El Niño ay inaasahan naman kasing papasok pa ang summer season.
Wala pa naman aniyang opisyal na deklarasyon sa pagpasok ng summer season subalit ramdam na din ang init sa kasalukuyan. | ulat ni Alvin Baltazar