Posibleng manatili ang mataas na temperatura gayundin ang heat index o alinsangan sa katawan sa bahagi ng Bacnotan sa La Union.
Batay sa heat index forecast ng PAGASA, posibleng pumalo hanggang sa 46°C ang heat index sa naturang lugar ngayong biyernes, Marso 22.
Ito rin ang pinakamataas na heat index na naitala sa buong bansa sa nakalipas na tatlong araw.
Ayon pa sa PAGASA, maaari pang magpatuloy hanggang sa weekend ang mainit na panahon sa Bacnotan.
Bukod sa naturang lugar, asahan din ang hanggang 40-41°C na heat index sa Zamboanga City, Pili, Camarines Sur at sa General Santos City, sa South Cotabato.
Samantala, nasa 34°C ang tantyang heat index sa Science Garden, QC sa Metro Manila ngayong araw. | ulat ni Merry Ann Bastasa