Nananatiling mataas ang presyo ng sibuyas sa Kaletong Public Market sa Mandaluyong City sa kabila ng pagbaba ng farmgate price nito.
Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, naglalaro sa P120 hanggang P130 ang presyo sa kada kilo ng pulang sibuyas habang nasa P90 hanggang P100 naman ang presyo ng puting sibuyas.
Ayon sa mga nagtitinda ng gulay, humahango lamang din sila sa mga biyahero kaya’t wala silang choice kungdi patungan ang presyo nito upang makabawi.
Kadalasan kasing sa Divisoria pa sa Maynila nagmumula ang kanilang suplay na ibinibiyahe lamang patungo sa kanila.
Idagdag na rin diyan ayon sa mga nagtitinda ng gulay ang bayad sa renta ng kanilang puwesto.
Batay sa datos ng Department of Agriculture, naglalaro sa P70 hanggang P80 ang presyo ng kada kilo ng sibuyas. | ulat ni Jaymark Dagala