Welcome kay Finance Secretary Ralph Recto ang positibong pagtaya ng World Economic Forum sa Pilipinas.
Ito ang sinabi ni Recto kasunod ng naging pahayag ni WEF President Borge Berde na tinatayang magiging $2 trillion economy ang bansa a darating na dekada.
Ayon kay Recto, tiwala sila sa naging resulta ng WEF roundtable, aniya malinaw ang mensahe ng PIlipinas sa global business leaders na hangarin ng bansa na mapabilang sa ‘economic powerhouse’.
Aniya, ang malakas na interes mula sa business leaders ay nagbibigay ng kumpiyansa sa Pilipinas tungo sa pag-unlad na hindi lamang pakikinabangan ng bansa bagkus ng global community.
Kabilang sa naging kalahok ng WEF roundtable ay ang top global executives mula sa pribadong sektor ng enerhiya, imprastraktura, finance, banking, telecommunications, at marketing industries.
Ito ay joint effort ng Pilipinas at WEF at naging pagkakataon para sa Pilipinas na ipresenta ang ‘economic growth story’ nito. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes