Bilang pagkilala ng Kamara sa legasiya at buhay ni Palawan 1st district Rep. Edgardo Salvame ay pinagtibay ng kapulungan ang House Resolution 217.
Nilalaman nito ang pakikiramay ng kapulungan sa naiwang pamilya ni Salvame gayundin ang pagtanaw sa mga ambag ng mambabatas bilang miyembro ng 19th Congress.
Personal na iniabot ni Cagayan 1st district Representative Ramon Nolasco Jr. ang naturang resolusyon sa pamilya Salvame kasama ang Legislative Performance Record ng mambabatas.
Marso 13 nang pumanaw ang mambabatas.
Itinalaga naman bilang legislative caretaker ng naiwang distrito ni Salvame si House Speaker Martin Romualdez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes