Hinihikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang hanay ng Philippine Army na palakasin ang kakayahan nito sa pagtugon sa cyber threats.
Sa talumpati ng Pangulo para sa ika-127 anibersaryo ng Philippine Army, na binasa ni Secretary Gibo Teodoro, binigyang diin ng pangulo ang kahalagahan ng abilidad ng bansa upang kontrahin ang cyber threats sa kasalukuyang panahon.
Sabi ng Pangulo, dapat na makasabay ang Philippine Army sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiya at tumulong sa pagpapanatili sa seguridad at katatagan ng rehiyon.
Umaasa ang Pangulo na mapagtibay ng mga ito ang mga aral na una nang napulot mula sa mga balikatan exercises kasama ang ibang bansa.
“I hope that you will also adopt the lessons you have learned, the best practices you have gained from joint operations, and interactions with other major services of the AFP and our foreign defense counterparts.” — Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan