Isinusulong ni Finance Secretary Ralph Recto ang amyenda sa CREATE Act o Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprise Law upang mas makahikayat ng investors sa bansa.
Sa isang press conference, sinabi ni Recto na magsisilbi itong transformative measure upang paghusayin ang business climate sa bansa upang maka-enganyo ng mamumuhunan at makalikha ng mas maraming trabaho sa mga Pilipino.
Kabilang sa ilang probisyon ng CREATE law ang pagbawas ng income tax rate ng 25% mula 30% para sa mga domestic corporations ng resident at non-resident foreign companies.
Sa ilalim ng panukalang amienda, ibababa pa ang income taxt rate ng 20% sa domestic and resident foreign corporations .
Layon din na pabilisin ang proseso para sa mga value-added tax refund na may kaunting mga kinakailangan sa dokumentaryo, mas mabilis na mga oras ng pagproseso para sa mga claim ang pagpapatupad ng isang streamlined na sistema ng refund ng buwis para sa mga rehistradong negosyo.
Ayon kay Recto, target nila na palakasin ang investment sa pamamagitan ng pagbawas ng “cost of doing business” na siyang magtutulak ng ekonomiya at magaangat sa buhay ng 14 million na Pilipino mula kahirapan hanggang sa taong 2028. | ulat ni Melany Reyes