Matagal nang kinansela ng Department of Foriegn Affairs (DFA) ang pasaporte ni dating Negros Oriental Representative Arnulfo Teves Jr. matapos maharap sa patong-patong na kaso sa Pilipinas.
Ayon kay DFA Spokesperson Teresita Daza, matagal nang kinansela ang pasaporte ni Teves upang hindi na makabiyahe sa iba pang bansa.
Kaugnay nito, kinumpirma na ng Department of Justice (DOJ) ang pagkakaaresto ni Teves sa Timor Leste habang nag-go-golf sa naturang bansa.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Timorese Police si Teves. Inaasahang iuuwi na ito ng bansa, matapos iayos at iproseso ang pagpapauwi sa dating mambabatas. | ulat ni AJ Ignacio