Dating Health Secretary at ngayon ay Iloilo solon, pinag-iingat ang publiko sa Pertussis

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinayuhan ni dating Health Secretary at ngayon ay Iloilo Representative Janette Garin ang publiko na mag-ingat, panatilihin ang proper hygiene, at magpabakuna.

Kasunod ito ng Pertussis outbreak sa Quezon City kung saan apat na sanggol ang nasawi dahil sa impeksyon ng sakit.

Hanggang nitong March 20 ay nakapagtala ng 23 kaso ng pertussis o whooping cough sa Lungsod Quezon.

Sinabi ni Garin, na kabilang sa mga dahilan ng pagtaas ng mga kaso na ito ay ang pagbaba ng bilang ng nagpapabakuna dahil sa mga kumakalat na maling impormasyon.

Napigilan sana ang pagkalat ng sakit kung mas marami ang nabakunahan.

“This is alarming but we can prevent the spread of this disease through vaccination and observing proper hygiene. One of its causes is the recent decline in vaccine uptake brought about by fake news and infodemic has also affected the uptake of DPT (diphtheria, pertussis, tetanus). Vaccination saves lives hence we need to catch up,” sabi ng mambabatas.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang Pertussis ay isang nakakahawang respiratory infection na dulot ng bacterium Bordetella na madaling kumakalat mula sa tao sa pamamagitan ng mga droplet na dulot ng pag-ubo o pagbahing at pinakamapanganib sa mga sanggol.

“Nakakahawa po ito lalo na sa mga bata o sanggol. Dahil mga bata iyan, hindi nila alam kung saan sila pwedeng mahawa kaya malaki ang responsibilidad ng mga magulang dito para maprotektahan ang kanilang anak sa sakit na ito,” giit ni Garin

Sa unang 10 linggo ng 2024, nakapagtala ang Department of Health ng 453 kaso ng Pertussis na mas mataas kaysa noong 2023 na may 23 kaso lamang sa parehong panahon. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us