Dagsa na ang mga deboto sa St Peter Church Parish, sa Quezon City ngayong Linggo ng Palaspas o Palm Sunday.
Sa araw na ito, ginugunita ang matagumpay na pagpasok ng Panginoong Hesus sa Jerusalem bago ang kanyang pagpapakasakit sa kalbaryo.
Ipinagdiriwang ng Simbahang Katoliko ang Linggo ng Palaspas, isang linggo bago ang Easter Sunday at hudyat ng pagpasok ng Semana Santa.
Tinawag itong Linggo ng Palaspas dahil sa mga sanga at dahon ng palma na inilatag ng mga tao sa daraanan ni Hesus habang nakasakay sa isang asno papasok ng Jerusalem.
Tradisyunal na dumadalo ang mga Katoliko sa banal na Eukaristiya dala-dala ang kanilang mga palaspas na iwinawagayway habang binebendisyunan ng pari pagkatapos ng misa.
Maaga pa lang puno na sa tao ang St Peter Church, at may kanya kanyang dalang palaspas .
Tulad ng sinabi ng Quezon City Police District may mga nakabantay na pulisya at force multipliers sa paligid ng simbahan para sa siguridad ng publiko.| ulat ni Rey Ferrer