Hinimok ng Energy Department ang mga oil company ngayong panahon ng Semana Santa na makilahahok sa pakikipagtulungan sa mga motoristang bibiyahe sa kani-kanilang mga probinsya ngayong panahon ng Semana Santa.
Ilan sa panawagan ng kagawaran ay ang pagtitiyak na may sapat na suplay ng langis sa mga oil station at pagpapalawak ng oras ng serbisyo upang mapaglingkuran ang mas maraming biyahero.
Binigyang-diin din ni DOE Sec. Raphael Lotilla sa mga oil comany ang pagpapabuti sa karanasan sa paglalakbay ng mga motorsita tulad ng pagsasagawa ng mga outreach programs at pagpapalaganap ng mga kampanya sa kaligtasan sa kalsada.
Dagdag payo rin ng DOE sa mga mag-iiwan ng kanilang mga tahanan para magbakasyon na pag-ingatan ang mga electrical device bago umalis ng bahay. Kabilang ang pagsuri at pag-unplug sa mga saksakan at kable para makaiwas sa sakuna. | ulat ni EJ Lazaro