Tuloy-tuloy pa rin ngayong Semana Santa ang bentahan ng mura at dekalidad na agri-products sa mga Kadiwa site sa Metro Manila.
Sa inilabas na iskedyul ng DA-AMAS, mananatiling bukas ang karamihan ng Kadiwa sites sa National Capital Region (NCR) mula ngayong Lunes Santo hanggang Linggo ng Pagkabuhay, March 31.
Ito ay para maghatid pa rin ng mas murang opsyon gaya ng gulay, isda, itlog, at iba pang agri-commodities sa mamamayan.
Ngayong Lunes, 10 Kadiwa sites ang bukas sa anim na lungsod sa Metro Manila.
Kabilang dito ang ADC Kadiwa store sa tanggapan ng Department of Agriculture sa Elliptical Road, Quezon City at maging sa mga lungsod ng Mandaluyong, Paranaque, Las Piñas, Caloocan, at Valenzuela City. | ulat ni Merry Ann Bastasa