Pinangunahan nina Transportation Sec. Jaime Bautista, Interior Sec. Benhur Abalos Jr. at DICT Sec. John Ivan Uy ang panawagan ng pamahalaan sa publiko ngayong Semana Santa 2024.
Mula sa iba’t ibang sektor subalit pag-iingat at kaligtasan ang naging panawagan ng mga nabanggit na kalihim.
Ayon kay Sec. Abalos, nakahanda ang buong pwersa ng PNP at BFP para sa anumang pangyayari.
Paalala nito na maaari aniyang lumapit sa mga ito sakaling may maranasang problema sa biyahe ngayong Holy Week.
Tiniyak naman ni Sec. Bautista ang kahandaan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ngayong Semana Santa para mapagsilbihan ang publiko.
Sa katunayan aniya patunay ang ginawa nilang inspeksyon ngayong umaga para tiyakin ang kaligtasan ng mga mananakay.
Sa panig naman ni Sec. Uy ay nanawagan ito sa publiko na huwag ipagbigay alam sa buong mundo na walang tao sa kani-kanilang bahay sa pamamagitan ng pag-post sa social media.
Aniya, sinasamantala ito ng mga kawatan para makapang-abuso.
Una dito ay nilibot ng mga naturang opisyal kasama si PNP Chief Benjamin Acorda Jr. ang kabuuan ng PITX para matiyak ang kahandaan nito sa dagsa ng mga pasahero ngayong Semana Santa. | ulat ni Lorenz Tanjoco