Kaisa ng buong mundo ang mga Pilipino sa pananalangin para sa mabuting kalusugan para kay Princess of Wales Catherine.
Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasunod ng anunsyo ng Princess of Wales na nagsimula na siyang sumailalim sa chemotherapy laban sa cancer.
Sa pahayag ng Pangulo, sinabi nito na kabilang ang prinsesa sa panalangin ng mga Pilipino sa panahon na humaharap ito sa hamon.
“The Filipino people have Catherine, the Princess of Wales, in our thoughts and prayers throughout this challenging time.” — Pangulong Marcos.
Ipinananalangin rin aniya ng bansa ang patuloy na paggaling ng prinsesa, gayunrin ang lakas para sa kaniyang buong pamilya, na sumusuporta sa kaniya sa kabila dito.
“We pray for her good health and continued healing, and for the strength of her family during this difficult period.” — Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan