Vaccination at pagsisiguro ng lagay ng pangangatawan bago bumiyahe ngayong Semana Santa, iminungkahi

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinapayuhan ng Department of Health (DOH) ang mga biyahero ngayong Semana Santa na magpabakuna na laban sa mga sakit na maaari namang maiwasan sa pamamagitan ng vaccination.

Ito ayon kay Health Usec. Eric Tayag ay upang magkaroon ng peace of mind ang publiko saan man sila magtungo para magbakasyon, sa gitna na rin ito ng mga naitatalang kaso ng tigdas at pertussis sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, nagpayo rin ang opisyal na siguruhin hindi lamang ang kondisyon ng mga sasakyan, bagkus ay maging ang kondisyon ng pangangatawan.

Maging maingat rin aniya sa mga pagkain na bibilhin o iinumin mula sa stop-overs, na maaaring magdulot ng food poisoning o pagkasira ng tiyan.

“Kung malayo po iyong biyahe, inaasahan namin na mayroon kayong paghahandang gagawin. Halimbawa, iyong tubig na kailangang po ninyo.” —Usec Tayag

Habang siguruhin ring ligtas ang mga lugar na pagdadalhan sa mga kasamang bata.

“Mag-isip po tayo kung kailangang dalhin iyong mga bata, mga babies sapagka’t sikipan na po at maaaring mahirapan po kayo. At doon po sa mga luluwas, huwag ninyong kalimutan iyong pagbabakuna para nang sa ganoon ay may peace of mind na po kayo.” —Usec Tayag. | ulat ni Racquel Bayan

Photo: PNA by Joan Bondoc

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us