Kampante si DILG Secretary Benhur Abalos Jr. na magiging mapayapa at ligtas ang paggunita ng Semana Santa ngayong taon.
Sinabi ng kalihim na may 52,000 pulis at Bureau of Fire Personnel ang naka-deploy sa buong bansa para lang matiyak ang kaligtasan ng publiko na bumibiyahe sa kani-kanilang probinsya.
Sa Metro Manila pa lamang, abot sa 12,000 police personnel ang naka-deploy sa iba’t ibang lugar.
Sa panig ng BFP, 28,000 fire personnel ang naka-deploy sa buong bansa,may 3,080 firetrucks at 38 First-aid Stations ang ikakalat sa mga lansangan.
Sa NCR, may 97 firetrucks at 17 ambulansya din ang ipapakalat sa panahon ng Semana Santa.
Ang DILG ay kaisa ng iba pang ahensya ng pamahalaan sa pagtiyak ng isang mapayapang Semana Santa alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr.| ulat ni Rey Ferrer