Senador Bong Go, nanawagan sa publiko na maging alerto sa gitna ng pertussis outbreak

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Senate Committee on Health chairman Senador Christopher ‘Bong’ Go sa publiko na maging mas alerto sa gitna ng resurgence ng sakit ng pertussis o mas kilala na ‘whooping cough.’

Ayon kay Go, kailangan rin ng mas maigting na government intervention at pakikiisa ng buong komunidad para hindi na kumalat pa ang sakit at maiwasan ang fatalities dahil dito.

Una nang nagdeklara ang Quezon City ng outbreak ng sakit habang sa Pasig City naman ay napapaulat na tumataas ang kaso ng sakit na ito.

Binigyang diin ng senador na hindi dapat balewalain ang naturang sakit lalo na sa mga sanggol at mga bata.

Kaya naman bilang bahagi ng proactive measure, minumungkahi ng mambabatas ang pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa sakit at pagtitiyak na may sapat na gamot dito para sa lahat.

Ito ay maliban pa sa ginagawa na ng mga lokal na pamahalaan na pagsasagawa ng vaccination efforts at pagtitiyak sa publiko ng availability ng mga bakuna at post-exposure prophylaxis.

Muling nanawagan si Go sa publiko na boluntaryong magsuot ng face mask sa mga matataong lugar dahil andyan pa rin ang banta ng mga sakit.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us