Mariing tinutulan ni Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong ang plano ng Bangsamoro Transition Authority ng hatiin ang munisipalidad ng Wao, Lanao del Sur.
Sa isang statement sinabi ni Adiong na nakikiisa siya sa pasya ng Sangguniang Panglalawigan mga lider at at kaniyang constituents, na tutol din sa paghahati.
Isa aniya ang Wao sa mga pinaka progresibong bahagi ng Lanao na bunga ng ilang taong katatagan at pagkakaisa.
Kaya naman ang panukala na ito ay hatiin ay isang banta sa lahat ng pinagsikapan at paghihirap ng mga residente nito.
“Ito’y biglang paggiba ng pundasyon na matagal nang inilatag at pinatibay ng liderato at tao ng Wao. Malaki ang panganib na sa biglaang paghati na ito’y masayang lamang ang lahat ng pagod at pondo na inilaan para sa pag-unlad ng Bayan ng Wao,” diin ni Adiong.
Giit pa ng mambabatas na dapat pakinggan ang tinig ng kaniyang mga kababayan at residente ng Wao na inilahad sa inaprubahang Sangguniang Panlalawigan resolution na tumututol dito.
“Wao’s unity is not just a matter of administrative boundaries; it is a symbol of resilience and cooperation. Any attempt to divide it would only sow seeds of discord and hinder the shared aspirations of its people. We urge the Bangsamoro Transition Authority to reconsider its stance and prioritize the unity and prosperity of Wao and its residents,” sabi pa ng kinatawan.
Kasabay nito, nanawagan si Adiong na sakaling mauwi ito sa plebesito ay bumoto ng “no” ang mga residente.
“We call upon all that love Wao and call it home to vote no if ever a plebiscite will be held regarding the division of Wao. Tayo’y buong pusong nakikiusap sa mga residente ng Wao na tutulan ang paghahati ng kanilang mahal na bayan. Magkapitbisig tayo sa pagpapanatili ng iisang matatag at maunlad na Wao!” dagdag ni Adiong. | ulat ni Kathleen Jean Forbes