Ikinagalak ng Department of Energy ang malaking bilang ng kuryente na natipid ng Pilipinas sa paglahok nito sa nakaraang ‘Earth Hour’.
Ayon kay Energy Sec. Raphael Lotilla, ang 132.11 megawatts na naitala ng Pilipinas ay mas mataas kumpara sa 63.69 megawatts noong nakaraang taon.
Patunay aniya ito ng dedikasyon ng bansa na mailigtas ang buong mundo kung saan sumisimbolo aniya ito ng isang malakas na mensahe ng pagkakaisa at commitment sa mga sustainable na gawain.
Umaasa din ang kalihim na ang gawaing pagtitipid ng kuryente ay mapanatili higit pa sa ‘Earth Hour lalo pa nandiyan aniya ang banta ng El Niño sa bansa.
Ang ‘Earth Hour’ ay ang kaugalian ng pagpatay ng mga appliance at ilaw na hindi kailangan sa loob ng isang oras. | ulat ni Lorenz Tanjoco
📷: DOE