Pormal nang itinurn over ng Clark Development Corporation (CDC) sa Bureau of the Treasury (BTr) ang P1.8 bilyon na halaga ng cash dividends ng taong 2023.
Ang dibidendo ay makakatulong upang pondohan ang ilang proyekto at programa ng national government.
Ang halaga ay mas mataas ng 49% kumpara sa remittance noong 2022 na nasa P1.21 bilyon.
Ang dividend rate ng CDC para sa taong 2023 ay katumbas ng 56% ng net earnings nito at 65% ng net income.
Sa turn over ceremony, ipinagkaloob ni CDC CEO Agnes Devanadera kay Finance Secretary Ralph Recto ang nasabing remittance.
Sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 7656 o Dividends Law of 1994.. minamandato sa lahat ng GOCCs na ideklara at i-remit ang 50% ng kanilang annual net earnings sa national government.
Ang GOCC dividends naman ang siyang pangunahing source ng non-tax revenues para sa gobyerno na siyang makatutulong sa pagpapatupad ng infrastructure at iba pang socioeconomic development program.
Present din sa turn over event sina BTr officials namely National Treasurer Sharon P. Almanza, Deputy Treasurer Erwin Sta. Ana at mga CDC Board of Directors at senior officers. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes
📷: DOF