Inaasahang lalago ang ekonomiya ng Pilipinas ng 6.1 percent sa unang quarter ng taon ayon sa First Metro Investment Corporation (FM) at University of the Asia and the Pacific (UA&P).
Base sa pinakahuling Market Call report, ito ay dahil sa nakikita nilang mabilis na paggasta ng gobyerno at pag-arangkada ng mga Official Development Assistance Fund at Public-Private Partnership (PPP).
Ang 6.1% na GDP growth ay mas mabagal kumpara sa 6.4% na paglago kumpara sa first quarter ng taong 2023 pero mas mataas naman ito sa 5.6% noong last quarter ng nakaraang taon.
Ayon pa sa FM and UA&P kapag nagtuloy-tuloy ang government spending, asahan ang paglago ng 2024 kumpara noong 2023.
Kaya anila kailangan na masustine ng gobyerno ang infrastructure spending ng 5-6% ng gross domestic product.
Sa ngayon, pinapalakas ng administrasyong Marcos ang pagpapatupad ng kanilang flagship infrastructure program na binubuo ng 185 proyekto na nagkakahalaga ng P9.14 trilyon. | ulat ni Melany Reyes