Siniguro ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr. kay Muntinlupa City Mayor Rozzano Rufino Biazon ang kanyang buong suporta para muling buhayin ang ekonomiya ng lungsod sa pamamagitan ng turismo.
Ito ang naging sagot ni Catapang matapos ilatag ni Biazon sa heneral ang plano nitong isama ang ilang historical landmarks sa loob ng New Bilibid Prison sa pagpapalakas ng turismo ng kanilang syudad bilang bahagi ng economy recovery program nito.
Nais ani Biazon na samantalahin ang pagkakakilala ng tao sa Muntinlupa bilang tahanan ng New Bilibid Prison kung saan bibigyang diin nila na ang NBP ay isang lugar ng kapayapaan at pagbabago.
Bilang pagsang-ayon sa proyekto ng lingsod ng Muntinlupa, ay nais pang isama ni Catapang sa nasabing proyekto ang monumento ni dating Pangulong Elpidio Quirino, na naitayo bilang paalala sa leadership, humanity, at historical foresight nito.
Kabilang sa mga circuit tours na inaayos ngayon ng Muntinlupa sa NBP ay ang:
- Kiyosi Oshawa Shrine / Memorial for Peace Shrine
- Jamboree Lake
- Director’s Quarters
- Lethal injection and Death Chamber
- Japanese Cemetery
- Memorial Hill
| ulat ni Lorenz Tanjoco