Muling tiniyak ng Department of Energy (DOE) na sapat ang supply ng kuryente ngayong Semana Santa.
Ito ay maging sa gitna ng inaasahang pagdasa ng ilan sa ating mga kababyan sa ilang mga establisyimento at ang pananatili ng ating mga kababayan sa mga hotel resorts sa ibat ibang panig ng bansa.
Ayon kay Energy Secretary Raphael Lottilla, nakahanda ang mga power plants sa pagbibigay ng sapat na enerhiya ngayon Holy Week at walang planta ang pinayang magsagawa ng system maintenance ngayong linggo.
Kaugnay nito, patuloy ang kanilang pagmomonitor sa mga power plants at sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa kasalukuyang sitwasyon ng pagdaloy ng kuryente sa ating bansa. | ulat ni AJ Ignacio