Tumanggap ng insentibo ang mga regular na kawani ng Mandaluyong City LGU.
Ito’y bilang pasasalamat sa kanilang tapat at patuloy na pagseserbisyo sa publiko.
Ayon kay Mandaluyong City Mayor Benjamin Abalos Sr., aabot sa ₱5,000 hanggang ₱10,000 ang tinanggap ng kanilang mga kawani depende sa tagal ng kanilang serbisyo.
Maliban sa cash incentives, tumanggap din ang mga kawani na naglilingkod na sa lungsod ng 10 taon pataas ng Loyalty Award.
Kasunod nito, sinabi rin ni Mayor Abalos na ibibigay na rin ng pamahalaang lungsod sa mga regular na empleyado ang kanilang ₱6,000 na Clothing Allowance. | ulat ni Jaymark Dagala