Malugod na tinanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr sa Malacañang, ngayong hapon (March 26), ang ilang miyembro ng United States Congressional Delegation.
Hindi bababa sa sampung US lawmakers ang nag-courtesy call sa pangulo ngayong araw.
Sa pambungad na pananalita ni Pangulong Marcos sa harap ng US Senators, binuksan nito ang posisyon o concern ng Pilipinas sa geopolitical situation sa rehiyon.
Sa panig naman ng US senators, pinasalamatan nila ang Pilipinas sa mainit na pagtanggap sa kanila.
Nagpasalamaat rin sila sa mahabang taon ng pagkakaibigan ng Estados Unidos at ng Pilipinas, maging sa matatag na pundasyon ng samahan ng dalawang bansa.
Muling nakakuha ng commitment ang Pilipinas kaugnay sa turing nila sa mga Pilipino sa US bilang kapatid.
Habang nagpasalamat rin sila sa kontribusyon ng mga Pilipino sa kanilang bansa, kabilang na sa linya ng health o kalusugan.
Napagusapan rin sa pulong ngayong hapon ang ilang mga oportunidad na maaaring mabuksan sa pagitan ng dalawang bansa, kabilang na sa linya ng enerhiya, rare mineral, at iba pa.
Ilan sa mga kasama ni Pangulong Marcos na humarap sa US congressional delegation ngayon hapon at sina Executive Secrteray Lucas Bersamin, National Security Adviser Eduaro Año, Defense Secretary Gibo Teodoro, at si PCO Secretary Cheloy Velicaria – Garafil. | ulat ni Racquel Bayan