Plano ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos jr na magtalaga ng mas maraming pulis sa mga barangay na apektado ng droga.
Kasunod ito ng tagumpay ng community policing strategy sa Muntinlupa City.
Ang hakbang na ito ay upang matugunan ang mga problema ng mga residente, bilang bahagi ng pagpapatupad ng Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) program.
Binanggit ni Abalos ang Revitalized Pulis sa Barangay (RPSB) program ng Philippine National Police (PNP) bilang isa sa mabisang diskarte ng BIDA program sa pagtugon sa patuloy na problema sa droga sa bansa.
Inilabas ng DILG chief ang pahayag sa BIDA Stakeholders Dialogue noong Lunes sa National Capital Region Police Office headquarters sa Taguig City.
Pinuri rin ni Abalos ang NCRPO sa pagpapakalat ng 10 pulis upang manirahan sa mga pamilyang informal settler sa naapektuhan ng droga sa Barangay Putatan sa Muntinlupa.
Idinagdag ni Abalos na isa pang interbensyon ng BIDA ay ang pagbibigay ng pansamantalang trabaho sa mga dating person deprived of liberty (PDLs) sa ilalim ng cash-for-work program ng Department of Labor and Employment (DOLE).| ulat ni Rey Ferrer