Ilang bahagi sa elliptical road sa Quezon City ang pansamantalang isasara ngayong Semana Santa.
Sa inilabas na Traffic Advisory ng Quezon City Government, maaapektuhan ang bahagi ng elliptical road mula sa North Avenue hanggang Quezon Avenue.
Sisimulan ang road closure alas-8:00 ng gabi ng Marso 28 o Huwebes Santo hanggang alas-8:00 ng umaga ng Marso 30 o Sabado de Gloria.
Ang pagsasara ng kalsada ay upang bigyang daan ang mga isasagawang konstruksyon para sa elevated landscape promenade sa nabanggit na lugar.
Dahil dito, pinapayuhan ang mga motoristang dumaan muna pansamantala sa mga alternatibong ruta upang hindi maantala ang kanilang mga biyahe. | ulat ni Rey Ferrer