Inaasahang lalago ang ekonomiya ng Pilipinas ng 6.1% sa unang quarter ng taon ayon sa First Metro Investment Corporation (FM) at University of the Asia and the Pacific (UA&P).
Base sa pinakahuling Market Call report, ito ay dahil sa nakikita nilang mabilis na paggastos ng gobyerno at pag-arangkada ng mga official development assistance fund at public-private partnership o PPP.
Ang 6.1% na GDP growth ay mas mabagal kumpara sa 6.4% na paglago kumpara sa first quarter ng taong 2023 per mas mataas naman ito sa 5.6% nuong last quarter noong nakaraang taon.
Ayon pa sa FM and UA&P, kapag nagtuloy-tuloy ang government spending, asahan ang paglago ng ekonomiya sa 2024 kumpara noong 2023.
Kaya anila kailangan na mapanatili ng gobyerno ang insfrustructure spending ng 5%-6% ng gross domestic product.
Sa ngayon, pinapalakas ng administrasyong Marcos ang pagpapatupad ng kanilang flagship infrastructure program na binubuo ng 185 proyekto na nagkakahalaga ng ₱9.14 trilyon. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes