Nais ng ilang medical doctors na ibalik ang mandatory face mask sa lahat ng lugar dahil sa lumalalang kaso ng Pertussis.
Ayon kay Dr. Tony Leachon, dating adviser ng Department of Health, mas maganda na umanong magsuot ng face mask bilang proteksyon ng publiko.
Dalawang syudad na sa bansa ang nagpatupad ng outbreak dahil sa Pertussis habang nasa State of Calamity ang Iloilo City.
Bukod sa mandatory face mask, ipinapayo din niya ang nationwide immunization strategy upang magkaroon ng malakas na resistensya ang publiko.
Una dito, bumili na ng mahigit isang milyong dosage ng bakuna ang Department of Health para ipamahagi sa mga lokal na pamahalaan. | ulat ni Mike Rogas