Umabot na sa higit 100,000 ang naiisyung digital TIN IDs ng Bureau of Internal Revenue.
Sa tala ng BIR, as of March 25 ay mayroon nang 102,046 Digital TIN ID ang naiproseso ng Online Registration and Update System (ORUS) ng ahensya.
Ayon naman kay BIR Comm. Romeo D. Lumagui Jr, maituturing itong malaking milestone sa pagtutulak ng ahensya ng digitalisasyon at mas maayos na serbisyo sa mga taxpayer.
Nakaangkla rin aniya ito sa itinutulak na Ease of Doing Business ng pamahalaan.
2023 nang simulan ng BIR ang pagiisyu ng Digital TIN na isang valid government-issued identification document na magagamit ng taxpayers sa kanilang mga transaksyon sa ibat ibang ahensya ng pamahalaan, LGUs at maging sa mga bangko.
Magandang alternatibo rin ito para makakuha ng TIN na hindi na pipila pa sa kanilang Revenue District Offices.
Ayon pa sa BIR, maaaring magapply ng kanilang Digiral TIN Id ang mga individal taxpayer na mayroon nang TIN. Kailangan lamang na ienroll nila ito sa kanilang Online Registration and Update System (ORUS)
Libre rin ang Digital TIN ID ng BIR at hindi pwedeng ipagbili. | ulat ni Merry Ann Bastasa