Pormal na tinanggap ng pamahalaan ang pagsuko ng walong miyembro ng Daulah Islamiyah-Turaifie Group (DI-TG) at pitong miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters-Karialan Faction (BIFF-KF), sa 6th Infantry Battalion Headquarters sa Barangay Buayan, Datu Piang Maguindanao del Sur.
Ayon kay Western Mindanao Command (WESTMINCOM) Commander Lt. General William Gonzales, ang mga sumukong DI-TG members ay mga residente ng Ganta, Shariff Saydona Mustapha, habang ang mga dating miyembro ng BIFF-KF ay mula sa Penditin, Datu Salibo at Madia, Datu Saudi Ampatuan.
Kasabay na isinuko ng mga nagbalik-loob ang isang 81mm mortar, 11 high-powered firearms, at isang cal. 45 pistol.
Pinuri ni Lt. Gen. Gonzales ang 6th Infantry Battalion at mga intelligence unit sa lugar na tumulong sa matagumpay na pagsuko ng mga dating kalaban ng pamahaan. | ulat ni Leo Sarne
📷: WestMinCom