₱72 milyon halaga ng marijuana, nasamsam sa Benguet

Facebook
Twitter
LinkedIn

Abot sa ₱72 milyon ang halaga ng 600 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nasamsam sa Sitio Sangilo, Camp 4, Tuba, Benguet.

Ito’y matapos isagawa ng pinagsanib na pwersa ng National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) ang

interdiction operation laban sa isang big time cultivator at distributor ng ipinagbabawal na marijuana.

Batay sa imbestigasyon, nangungupahan lang sa subject property ang isang nangangalang Felimon at hindi alam ng may-ari na ginamit ito bilang plantasyon ng marijuana.

Itinurn-over na sa PNP Tuba Municipal Police Station ang mga narekober na illegal drugs para sa dokumentasyon at ipinasa sa RFU-Cordillera para sa qualitative forensic examination.

Nakatakda nang sampahan ng kaso si Felimon at sa kanyang mga kasamahan dahil sa paglabag sa R.A. 9165. | ulat ni Rey Ferrer

#RP1News #RadyoPilipinas

Abot sa ₱72 milyon ang halaga ng 600 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nasamsam sa Sitio Sangilo, Camp 4, Tuba, Benguet.

Ito’y matapos isagawa ng pinagsanib na pwersa ng National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) ang

interdiction operation laban sa isang big time cultivator at distributor ng ipinagbabawal na marijuana.

Batay sa imbestigasyon, nangungupahan lang sa subject property ang isang nangangalang Felimon at hindi alam ng may-ari na ginamit ito bilang plantasyon ng marijuana.

Itinurn-over na sa PNP Tuba Municipal Police Station ang mga narekober na illegal drugs para sa dokumentasyon at ipinasa sa RFU-Cordillera para sa qualitative forensic examination.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us