Nagpasalamat si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pahayag na suporta ng pamahalaan ng India sa soberanya ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS), na ayon sa Pangulo ay isang mahalagang development para sa mga Pilipino.
“So, whatever it is that we can do to make the situation better, in partnership with India, which certainly be an important development for us,” — Pangulong Marcos.
Sa pagbisita ni Indian Minister of External Affairs Subrahmanyam Jaishankar sa Palasyo, binigyang diin ng Pangulo na ang India at Pilipinas, kapwa isinusulong ang pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa Indo-Pacific region.
Ang India aniya, kinikilala ng bansa bilang ‘like-minded countries’, sa pagtindig alinsunod sa international rules-based orders.
“We have many shared interests, primary of, that is to maintain the peace in our areas and so this is a concern now, not only of India or of the Philippines alone, but the entire world,” — Pangulong Marcos.
Sa panig naman ng Indian official, sinabi nito na hindi nagbabago ang kanilang posisyon sa pagkilala sa naipanalong 2016 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ruling ng Pilipinas na nagpapawalang saysay sa claim ng China sa karagatang sakop ng bansa.
Dagdag pa nito, handa siyang maging charter member ng Pilipinas, para sa mga effort nito, laban sa agresyon ng China sa South China Sea.
“So, if you want a country, which actually says will accept the judgment even if it goes against us, we are actually a natural candidate. So, we can be on your ship,” — Jaishankar.
Sinabi rin ng opisyal na ‘looking forward’ ang kanilang pamahalaan sa pagbisita ni Pangulong Marcos sa India. | ulat ni Racquel Bayan