Inaasahang magkakaroon ng pagtaas sa foreign direct investments (FDIs) ngayong taon sa gitna ng mga isinasagawang reporma at trade and investment opportunities sa Amerika at Europa.
Sa inilabas na ulat ng HSBC Global Research, mas bubuti ang FDI “competitiveness” ngayong taon dahil sa repormang isinasagawa ngayon ng gobyerno.
Base sa pinakahuling datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas, bumaba ang FDI ng 6.6% o nasa $8.9 bilyon kumpara sa $9.5 bilyon noong 2022.
Ayon pa sa HSBC, bagaman hindi ito kasing lakas ng FDI net inflows ng Malaysia at Vietnam, maituturing naman itong malaking halaga para makabawi mula sa mga nakaraang taong mahina ang pamumuhunan sa bansa.
Ibig sabihin anila, malaking patunay ito sa reputasyon ng bansa sa pagbuti ng pamumuhunan dahil dibidendo ito ng pagsisikap ng gobyerno na gawing investment friendly ang bansa.
Kabilang sa tinutukoy ng HSBC na reporma upang paghusayin ang business climate ng Pilipinas ay ang reporma sa Ease of Doing Business Act, the Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) law, Foreign Investment Act, Public Service Act, Retail Trade Liberalization Act at ba pa. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes